Sunday, February 4, 2007

Dasmariñas-A promt advert


DITO SA AMING BAYAN NG DASMARIÑAS


Greetings!





In May, 1998 our townmates with the blessings of the Almighty gave me the rate opportunity of being the 22nd mayor of our town, Dasmariñas.




In the last three years of occupying the most challenging public position in the municipality, I did my very bestto be of service to every Dasmarineño and to live by the hope of our constituents for like any one of you, I have spent most of my life as an ordinary resident dreaming of a better and improved living condition. My admininistration marks various programs in the filed of education, health, sports, and peace and order. Traffic problem was not overlooked and this paved the way for the construction of new roads and widening of existing ones. Concrete programs were also formulated to take care of the environment and the garbage problem.




Still, much has to be done but with the support and wholehearted cooperation of all sectors of our community, we will not fail and we shall overcome whatever hurdles that come our way, until peace and prosperity reign in our town.




MABUHAY TAYONG LAHAT!
Ang bayan ng Dasmariñas ay nagsimula bilang isang baryong nasasakupan ng bayan ng Imus ngunit pagsapit ng taong 1867 ay sinimulan na itong kilalanin bilang isang nagsasariling munisipalida. Ang byan ay pinangalanan ng Pamahalaang Kastila na Perez Dasmariñas bilang parangal sa kastilang Gobernador na si Don Gomez Perez Dasmariñas na namuno sa pilipinas mula 1590 hanggang 1593. Ang nasabing gobernador ay pinaslang ng kanyang 250na manggagawang Intsik. Pati ang anak nitong si Don Luis Perez Dasmariñas ay napatay sa kamy ng mga ito. Si Don Perez Dasmariñas ay nakilala dahil sa pagpapasimula nito ng pagpapatibay ng pagtatayo ng Intramuros at Fort Santiago.
Ang Perez Dasmariñas ay "visita" lamang ng bayan ng Imus na natuklasan ng mga paring Rekoletos noong 1795. ang Camarin de Piedra na pag-aari ng mga Rekoletos ang unang naging simbahan ng Dasmariñas habang ang mga residente nito ay gumagawa ng sarili nilang parokya. Ayon sa tala, ang mga unang nanirahan sa bayan ay dumating noong 1861 at kinabibilangan nina Gil Tirona, Vicente Guevarra, Eleuterio Geda at Eustaquio Paulme. Ang Bayan ng Dasmariñas ay naging madugong lugar ng labanan noong panahon ng Rebolusyon (1896-1897). Sinunog ng mga kastila ang lahat ng mga kabahayan at gusali sa Poblacion maliban lamang ang simbahan ng katoliko. Nagapi nila ang bayan noong Pebrero 25,1897. Daang-daang mga residente katulad nina Flaviano Yengko at Crispulo Aguinaldo ang nasawi sa nasbing labanan.
Noong 1905, sa pagsisimula ng pananakop ng mag amerikano, muling naging sakop ng Imus ang Dasmariñas. Pagdating ng taong 1907, ito ay tuluyan ng naging hiwalay na munisipyo sa panahon ng pamunuan ng gobernador ng lalawigan na si Antero Soriano. Sa taon ding yaon tinaggal ang pangalang Perez sa Perez Dasmariñas sa tulong ni kapt. Placido Campos, Franciso Francisco Barzaga at Felipe Tirona.
Ang pagiging bayan sa lalawigan ng Cavite at ang pagiging malapit sa kamaynilaan ang ilan sa mga dahilan na nagbigay daan sa mabilis na pagbabago nito mula sa isang tradisyunal na bayan na pawang agrikultura ang ikinabubuhay patungo sa pag-unlad. Sa kaslukuyan, mayroon ng 442,572 katao ang naninirahan sa Dasmariñas na patuloys na dumarami kaya naman walang patid ang pagpapatayo ng karagdagang mga gusaling pampaaralan, panghospital at mga kabahayan sa mga subdibisyon. Ang bayan ng Dasmariñas sa kasalukuyan at sa darating pang mga taon ay patuloy na kakikitaan ng pagsulong at paglago.

KAALAMAN MULA SA SARILING BAKURAN

LOKASYON
30 kilometro sa timog ng Maynila
MGA HANGANAN
Hilaga- Munisipalidad ng Imus
Timog- Munisipalidad ng Silang
Silangan- Munisipalidad ng Binan, San Pedro, Lagiuna at Carmona
Kanluran- Munisipalidad ng Gen. Trias
KLASIPIKASYON
First Class Municipality
ACTUAL INCOME (2000) PhP196, 476,842.90
POPULASYON
442,572 katao
LAWAK
9, 013 hektarya
KOMPOSISYON
Ang Dasmariñas ay may 73 baranggays kung saan 26 nito ay napapabilang sa lumang bayan at ang 47 nito ay napapabilang sa bagong bayan.
KLIMA
Mayroon itong dalawang klima: tag-ulan tuwing Mayo hanggang Disyembre at tag-araw na sumasapit banding Enero hanggang Abril.
MGA PANGUNAHING PALATANDAAN
Immaculate Conception Parish Church
Manila Memorial Park na pinakamalaki sa far east
Watermart Dasmarinas
First Cavite Industrial Estate
Orchard Golf & Country Club
MGA PANGUNAHING SERBISYO
24-oras na transpotasyon patungo at pabalik ng Metro Manila
24-oras na seguridad na ipinagkakaloob ng mga pulis at bumbero
Dasmarinas Water District na ang hatid ay ligtas at malinis na tubig
Manila Electric Company (MERALCO) na nagkakaloob ng elektrisidad sa mga tahanan at indusriya
PASILIDAD NA PANGKOMUNIKASYON
Philippine Long Distance
Telecommunication Company
DIGITEL Corporation
GLOBE Telecommunication
1 Local Cable TV
Maisip mo bang ang pangalan ng Sabang ay nagsimula sa salitang nagsangang bambang na matatagpuan sa pagitan ng Dasmarinas at Malagasang , Imus, Cavite? Noong unag panahon, isang paring Kastila ang nagpabago ng bambang kaya nagging magkasangga ito.
Noong panahon ng Kastila ay mayroong mahanging lugar dito sa Dasmarinas na dinarayo upang gawing lugar paliparan ng saranggola at ngayon ito ay tinatawag na Paliparan.
Ang Bgy. Langkaan at Bgy. Sampaloc ay mula sa pangalan ng mga punong langka at sampalok na nakatanim sa mga malawak na lupaing dito sa Dasmarinas.
Ang Bgy. San Agustin ay dating kilala bilang kasuyan dahil sa dami ng punong kasoy na nakatanim dito. Pagdating ng Kastila, nakagawian ang pagkakaroon ng prusisyon kumg saan laging kasama ang imahen ni San Agustin kaya bilang pag-alala sa santo ay pangalan nito ang tinawag sa nasabing baranggay
PROYEKTO

Libreng Day Care Program na pinakinabangan ng 7,530 batang mag- aaral sa buong Dasmariñas. Sa proyektong ito ay libre silang nabigyan ng edukasyon sa ilalim ng pamamahala ng 77 day care workers sa 85 pampublikong day care centers na tumatanggap ng kabuuang P5 milyong sahod sa loob ng isang taon. Libreng mga aklat na nagkakahalaga na ng P4.5 milyon ang personal na ipinamahagi sa mga bata ni Mayor Pidi Barzaga habang P2.5 milyon naman nagugol sa pagpapatayo ng karagdagang day care centers na kinabibilangan ng:
1. Paliparan 3 Phase 1
2. Paliparan 3 Phase 2
3. Paliparan 3 Phase 3
4. Paliparan 3 Phase 4
5. Paliparan 3 Phase 5
6. Bgy. San Jose
7. Solar Homes San Agustin 1
8. Via Verde Subdivision San Agustin 2
9. Villa Catalina Subdivision San Agustin 3
10. Vilage Park Langkaan 1
11. Citihomes Langkaan 2
12. Sampaloc 3
13. Salitran 1
14. San Manuel
15. Sta. Cruz 1
16. Sta. Cruz 2
17. Golden City Dasma 1 Salawag
18. Golden City Dasma 3 Salawag
19. Golden City Dasma 4 Salawag
20. Mabuhay Homes Salawag
21. San Marino City Salawag
22. Sabang
Taunang Little Mr. & Ms. Day Care na may layong hubugin ang talino at kakayahan ng mga munting public day care pupils sa isang patimpalak na taliwas sa fund- raising na nakagisnan ng mga magulang. Ang contest na ito ay ibinase sa ganda at talino ng mga batang kalahok.
Pamimigay ng 40 Computer Units sa Pampublikong Paaralang Elementarya na nagkakahalaga ng P1.4 milyon. Naniniwala ang pamahalaang Bayan na ang mabuting edukasyon ay napapanahon.
Scholarship Para sa 45 Matatalinong Mag- aaral sa Kolehiyo na binabalikat ng Pamahalaang Bayan sa Halagang P1 milyon sa isang taon.
Alam ba ninyo na sa buong lalawigan ng Cavite, ang Dasmariñas ang…
- may pinakamaraming pampublikong Day Care Centers na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng bayan. Mayroong 85 day care centers kung saan 7,530 preschoolers ang nag- naaral. Bukod sa buong Pilipinas ang nagbibigay ng libreng edukasyon at mga libreng aklat na 5 taon. Sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Barzaga ay 22 day care centers ang naiapgawa.
- Itinuturing na may pinakamalaking populasyon sa paaralang pangsekundarya sa buong mundo at ito ay matatala sa Guinnes Book of World Records. Sa Kasalukuyan, ang Dasmariñas National High School ay may 24,987 na estudyante.

Alam ba ninyo na sa buong lalawigan ng Cavite, ang Dasmariñas ang…
- may pinakamaraming pampublikong Day Care Centers na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng bayan. Mayroong 85 day care centers kung saan 7,530 preschoolers ang nag- naaral. Bukod sa buong Pilipinas ang nagbibigay ng libreng edukasyon at mga libreng aklat na 5 taon. Sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Barzaga ay 22 day care centers ang naiapgawa.
- Itinuturing na may pinakamalaking populasyon sa paaralang pangsekundarya sa buong mundo at ito ay matatala sa Guinnes Book of World Records. Sa Kasalukuyan, ang Dasmariñas National High School ay may 24,987 na estudyante.








1 Print Media
4 Internet Service Providers (Moscom, Cyberspace, PhilWorld, Infocom)
INDUSTRIYA
First Cavite Industrial Estate- 154.5 hektarya ng industrial subdivision na ginawa upang tugunan ang pangangailangan ng light-to-medium scale na manufacturing companies na ang kalahati ay halos pag-aari ng mga Hapon. Dito matatagpuan ang:
Dutchboy Phils.
Universal Robina Corporation
KLT Fruits
Kolin Philippines
Cambridge Electronics
Sa Dasmarinas din matatagpuan ang:
Damarinas Technopark
Daewoo Corporation
Coca-Cola Sales Office
KOMERSYAL NA BANGKO
Active Bank
Phil. Savings Bank
Bank of the Phil. Islands
Pilipinas Bank
Prudential Bank
Capitoil Dev’t. Bank
Reala Bank
Rizal Commercial
Century Savings Bank
Rural bank of Dasmariñas
Dev’t. Bank of the Phils.
Securitry Bank
First Macro Bank
Westmont Bank
East West Bank of the Phils
China Bank
. Luzon Dev’t. Bank of the Phils
Land Bank the Phils.
Metro Bank
Orient Bank
Town Savings & Loan Bank
UNIBERSIDAD AT KOLEHIYO
Ang Dasmarinas ay mayroong 53,000 estudyante sa pampublikong paaralang pang- elementarya at 24,000 estudyante sa pampublikong paaralang pangsekondarya. Kilala bilang University Town ng probinsya, dito matatagpuan ang mga sumusunod:
De La Salle University- Dasmarinas
Philippine Christian University
Technological University of the

Philippines
Emilio Aguinaldo College
AMA Computer College
AMA Computer Learning Center
National College of Science &
Technology
Southern Luzon College
Guzman Institute of Technology
Systems Technology Institute
St. Jude College
Magsaysay Institute of Shipping
St. Paul College
KAINAN
(3) Jollibee
(2) Mc Donald’s
Max’s Restaurant
(3) 7- 11
Goldilock’s
Pizza Hut
Greenwich
Chowking
Miggy’s
Kamameshi
Countryside
LIBANGAN
Orchard Golf & country Club
Pahiyas Restaurant and Kalipayan Estate
Volet’s Resot
Swiss Resort
Double-V Resort
Stages
FSC Cinema & FSC Plaza
Srcontica Cockpit Arena
CM Plaza Bowling & Billiard Center
Super Speed Billiard Center
PABAHAY
Ang Dasmarinas ay may 161 na subdivision na nagtataglay ng 32,000 housing units. Sa mga proyektong pabahay na ito nabibilang ang:
Greenwoods Subdivision By Jardine Land
Island Park By Britanny
Vineyard By Robinson’s
La Mediterranea By Crown Asia
Metro Gate
Pacific Parkplace By Earth+Syle
INTER-TOWN LEAGUE na sinuportahan ng Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng pagbalikat sa uniporme at allowance ng daan-daang estudyanteng atleta.

Dasmarinas Active Chess Tournament, kung saan 92 mga bata na may edad mula 12 yaon pababa and nagtagisan ng galling sa larangan ng chess. Ito ay ginanap sa Dasmarinas Elementary School Covered Court .
Dasmarinas Active Chess Tournament na inilaan naman para sa mga residenteng nagkakaedad mula 13-16 na taon. Dito ay 108 chess players ang naglaban-laban.
Dasmarinas Active Chess tournament. Ang palaro na nilahukan ng 138 chessers na nagkakaedad 17 taon pataas.
Pagbuo ng Dasmarinas Chess Club, na nagpatunay sa hangarin ng Pamahalaang Bayan na pag-ibayuhin ang pagbibigay ng opurtunidad sa mga manlalaro ng chess sa Dasmarinas. Ang samahan ay binuo upang magsagawa ng mga programang magpapalakas sa larong chess ditto sa ating bayan.
1st Dasmarinas Open Chess Team Championship. Tatlumpu’t tatlong grupo mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon ang naglaban-laban sa patimpalak na ito. Mismong ang grand master na si Joey Antonio ay kasali sa proyektong ito ng Pamahalaang Bayan na hinangaan ni Jesus Ingeniero, pangulo ng Philippine Chess Federation at DILG Special Assistant.
Pinakamalaking Sports Tournament Para sa Summer na binuo ng mga palaro sa basketball, volleyball, chess at taekwondo. Umabot sa P1.2 milyon ang naipamigay na premyo ng Pamahalaang Bayan habang P1.8 milyon naman ang nagugol para maisagawa ang mga palaro na tumagal ng apat na buwan. Sinaksihan ang awarding ceremonies ng patimpalak ni Mayor Jinggoy Estrada at ng mga sikat na manlalaro tulad ni Grandmaster Bong Villamayor. Ang mga palarong napagwagian ay ang mga sumusunod.

> Inter- Barangay Basketball Tournament para sa mga Bata, kung saan ay 117 palaro ang naisagawa at nilahukan ng 28 barangay. Itinanghal na kampeon ang Barangay Langkaan II na nagwagi ng P100,000 premyo sa pamamagitan ng barangay projects. Pumangalawa naman ang Barangay San Miguel I na nagkamit ng P 50.000 sa malawkan at sunod-sunod na chess tournament ng Pamahalaang Bayan natuklasan ni Mayor Barzaga si Ivan Gil Biag na noon ay 10 taong gulang. Ang bata ito na naging represente ng Pilipinas sa Under 10 World Chess Tournament sa Espanya ang itinuturing na pinakabatang champion sa malaking Shell National Active Chess Tournament.

MALAKIHANG SPORT PROGRAM
Ang summer sa Dasmarinas ay nangangahulugan ng pagsama-sama ng mga barangay sa isang sports program na naglalayong ilayo ang mga kabataan sa masasamang bisyo at hubugin ang may potensyal na mga manlalaro sa bayan. Dito ay P100,000 sa pamamagitan ng barangay projects ang ipinagkaloob sa bawat barangay na nagwagi sa basketball, volleyball at chess.

PROYEKTO 6
Edukasyon

Pagsasagawa ng Taunang Gawad Karangalan ng Bayan na kumikilala sa angking talino ng mga residenteng nagsipagtapos sa elementarya, sekondarya, kolehiyo at post graduate studies. Dito ay pinarangalan din ng Pamahalaang Bayan ang mga residenteng may angking galing sa larangan ng akademya, sining, at palakasan. Ang mga pinarangalan sa elementarya ay tumanggap ng medalya, sertipiko at ng mga sumusunod: Valedictorian-P500; Salutatorian-P300; Honorable Mention-P200 habang ang mga honor students naman sa kolehiyo ay tumanggap ng cash awards ng: summa cum laude-P3000; magna cum laude-P2000; at cum laude-P1000.

P3 milyon ng Municipal Special Education Fund ang inilaan para sa karagdagang arm- chairs at desks sa mga pampublikong paaralang pang elementarya at pang sekondarya.

P3 milyon ang inilaan para sa pagsahod ng mga guro sa mga pampublikong paaralang pang elementarya at pang sekondarya.

P13.3 milyon ng Municipal Special Education Fund ang napunta para sa konstruksyon ng mga sumusunod:

dalawang palapag sa paaralang elementarya ng Bgy. San Jose na nagkakahalaga ng P959,855
dalawang palapad sa paaralang elementarya ng Bgy. Sabang na nagkakahalaga ng P959,855
dalawang palapag na may sampung silid-aralan sa paaralang elementarya ng Fransisco E. Barzaga na nagkakahalaga ng P3,999,998.50
dalawang palapag sa paaralang elementarya ng Pintong Gubat na nagkakahalaga ng P959,855
dalawang palapag sa DNHS Congressional na nagkakahalaga ng P959,855
DNHS Paliparan 3 Multi- Purpose Hall na nagkakahalaga ng 1,800,000
Pamimigay ng kabuuang P6 milyon na Christmas Bonus sa 1,500 na guro sa Pampublikong paaralang pangelementarya at pangsekondarya.


PARANGAL PARA SA YAMAN NG BAYAN
Sa taunang tradisyon na ito, nasaksihan ang pagsasama-sama ng daan daang honor students na hinangaan ni Sen. Rene Cayetano. Patunay lang na ang Dasmariñas nga ang University Town ng lalawigan ng Cavite .


CHILD TALK
Si Sen. Serge Osmeña, Mayor Pidi Barzaga at Chief of Staff ng Governor’s Office na si Doy Sanchez na inagurasyon ng mga bagong Day Care Centers sa Barangay Paliparan.
PROYEKTO 8

Pamamagitan ng barangay projects habang nasa pangatlong pwesto namanang Barangay Emmanuel I na tumanggap ng P30,000 na halaga ng barangay projects samantalang P20,000 nman ang napunta sa Barangay San Dionisio na nauwi sa pang-apat na pwesto.
Inter-Barangay Basketball Tournament Para sa Junior kung saan ay 255 palaro ang naisagawa at nilahukan ng 54 Barangay. Itinanghal na campeon ang Barangay Zone I na nagwagi ng P100,000 premyo sa pamamagitan ng brangay projects. Pumangalawa naman ag Baranay Langkaan II na nagkamit ng P50,000 sa pamamagitan ng barangay projects habang nasa pangatlonh pwesto naman ang Barangay Sta. Lucia na tumaggap ng P30,000 na haaga ng barangay projects habang P20,000 naman ang napunta sa Barangay Sampaloc na nauwi sa pang-apat na pwesto.
Inter-Barangay Basketball Tournament Para sa Seniors. Dito ay 300 palaro ang naisagawa ng 59 barangay. Itinaghal na kampeon ang Barangay Salitran IV na nagwagi ng P100,000 sa pamamagitan ng barangay projects. Pumangalawa naman an gang Barangay Sampaloc V na nagkamit ng P50,000 sa pamamagitan ng barangay projects.habang nasa pangatlong pwesto naman ang Barangay Datu Esmael na tumanggap ng P30,000 na halaga ng barangay projects habang P20,000 naman ang napunta sa Barangay Salawag na nauwi sa pang-apat a pwesto.
Inter-Barangay Volleyball Tournament. Umabot sa 219 palaro ang naisagawa para asa kalalakihan at 115 naman sa mga kababaihan. Apatnapung barangay ang lumahok sa Men’s Division at 33 barngay naman sa Women’s Division. Nagwagi sa Men’s Division sng Barangay Salitran IV.na na-uwi ng P100,000 premyo sa pamamagitan ng barangay projects. Pumangalawa naman ang Barangay Emmanuel I na nagkamit ng P50,000 sa pamamagitan ng barangay projects habang nasa pangatlong pwesto naman ang Barangay Sampaloc I na tumanggap P30,000 na halaga ng barangay projects. P20,000 naman ang napunta sa Barangay Luzviminda II. Sa Women’s Division ay naitanghal na kampoeon ang Barangay
PROYEKTO 9
Zone IV na nag uwi ng P100,000 premyo sa pamamagitan ng barangay projects. Pumangalawa naman ang Barangay Salitran IV na nakamit ang P50,000 dahil sa barangay projects habang nasa pangatlong pwesto naman ang Barangay Sampaloc I na tumanggap ng P30,000 na halaga ng barangay projects. P20,000 naman ang napunta sa Barangay Sabang.
First Dasmariñas Inter-Barangay Chess Tournament. Kung saan nagtipun-tipon ang 30 barangay na bumuo sa 2 manlalaro para sa Kids Division, 2 sa Junior Division at 2 para sa senior Division upang maglaban-laban sa seven-round swiss system. P100,000 premyo para sa barangay projects ang iginawad ng Pamahalaang Bayn sa Barangay Saliwag na itinanghal na kampeon habang nagkamit naman ng P50,000 sa Sampaloc 2 na first runner-up. Inuwi naman ng Barangay Sampaloc IV na itinanghal na second runner-up ang P30,000 na halaga ng barangay projects habang P20,000 naman ang natanggap na Barangay San Esteban.
Mayor Pidi Barzaga Taekwondo Cup Dito ay nagpakitang gilas ang 196 residente ng Dasmariñas, kapwa bata at matanda na pwang mga nagsipag tapos ng anim na linggong taekwondo loessons na inilaan ng libre ng Pamahalaang Bayan.
Dasmariñas Invitational Mixed Masters Chess Tournament. Dito ay iniluwal ng Damariñas ang baging National Master sa katauhan ni Ronan Andrade ng Barangay San Agustin II matapos maglaban-laban ang 50 chess palyers ng Dasmariñas at 11 national masters at 1 FIDE master ng bansa.
Pakatuklas ng Pinakabatang Kampeon ng Shell National Active Chess Tournament na si Ivan Gil Biag, 11 taong gulang na residente ng Brangay Sampaloc II.
Pagkatuklas at PAgsusuporta kay Petronio “Roni” Roca ng Barangay Burol Main na nahirang ng International Master matapos magwagi sa Asian Zonals 3.2a na ginanap noong Mayo 17 hanggang 30 sa Vung tao, Vietnam .
Pagpapagawa ng Basketball Court sa:
1. Paliparan I 4. Victoria Reyes
2. Villa Luisa Phase 2 5. Bautista
3. Wood Estate San Jose
Pagpapagawa ng Volleyball sa Barangay Langkaan II at Barangay Sto. Cristo.
Pagpapagawa ng Tennis Court sa Barangay San Antonio de Padua I.
Pagpapagawa ng Siyam (9) na Covered Courts para sa taong 2001 kung saan ay natapos na ang covered court sa Brgay. San Simon upang masiguro na patuloy pa rion ang sports program ng Pamahalaang Bayan sa kabila ng pagsapit ng panahon ng tag ulan.









2 comments:

rjsolcruz said...

Mayor,

Na searched ko po itong Dasmarinas Chess Club as I was searching for "chess club". Kami po ay may club din, ang MERALCO Chess Club na base dito sa Ortigas Center but we have players who live there in your town in the MERALCO Village in Summerwind.

Ang club po namin ay gustong makatulungong lalo na sa mga young players ninyo sa pamamagitan ng makiki-laro ng chess and donate a few chess sets lalo na sa mga mahihirap nating mga kabataan.

We have played our so-called outreach chess match with Tahanan Walang Hagdanan in Cainta, Monsi. Olaguer's New Bilibid Prison and Judge Vivandor's Las Pinas City Jail and we are looking forward to other location and needy group.

Maliiit lang po ang Club namin, we usually gather around 10 players in these matches but we certainly have the heart for the poor.

If you are interestd, please email me at rjsolcruz@meralco.com.ph

God bless.

Rolly Sol Cruz
President, MERALCO Chess Club

LighyJupiter said...

Kailaangan po ba talaga required na voters yung guardian para ma enroll yung bata sa Day care ng libre? Parang unfair naman